Hindi na kinaya ng damdamin ko ang lahat lahat ng nararamdaman kong ito. Nandito nanaman ako sa blog ko at nagsusulat.
Dumating ba kayo sa punto na hindi mo na pumasok ka sa isang eksena na akala mo kakayanin mong iwan kahit anong oras? Yung hindi ka kakabahan kasi para sa iyo nageenjoy ka lang at wala kang pakialam kung ano man pwde mangyari?
Nasa sitwasyon kasi ako na mas nauuna ang puso kesa gamitin ang utak ko. ANAK NG! Nasa taas naman sana ung utak bakit ang puso ang nasusunod? Sa ngayon, doble ang sakit ng disappointment kasi, doble din ung expectations ko. Yan tao eh! Lakas magexpect tapos pag hindi nangyari ang gustong mangyari, ayan: Sakit sa puso!
Haaaay. Hanggang dito nalang muna. Ingat kayo!