Same as ever. Being too lazy to post here. WHY?! HAHA! Just want to share to you guys my post in my other blog. Hope you like it. :)
Nagkataon kasi na nakapag logged in ako ng di oras sa wordpress at dun na ako nag type ng entry. Tapos copy and cut then dito ko nilipat at tinapos pero binalik ko ulit dun. Kasi para dun naman talaga yun na entry. HAHA! masyadong walang laman ang page ko na iyon. :) Buti naman at nabisita ako ng sipag sa pagtatype at pati ang mga walang kwentang ginawa ko kanina (ctrl+a-ctrl+c-ctrl+x-ctrl+v) eh naikwento ko tuloy.At para lang makabawi dahil nakapag logged in na rin ako dito eh eto nagpost na ako. :) Tama lang, kasi this is my blog so "I'll do my own thing". [Pasok ba ang title sa entry ko? kahit papaano. XD]
Eto oh. Baka may extra time pa kayo para mabisita ang POST KO NA ITO. :)
Sino may GOOGLE+ (obvious naman, lahat kayo co-bloggers kasi GMAIL ang gamit nyo. HAHA!) Invite me, emoteramuch@gmail.com
Ingat Kayong Lahat!
Alam nyo, sobrang lungkot ko ngayon eh. Hindi ako mabuting tao.Lahat ng nagawa kong kasalanan recently, eh nagbunga na ng mga consequences na hindi ko kaya harapin.
Una sa lahat, ang hindi pagtupad ng usapan namin. Inaamin ko, hindi ko na control ang sarili ko na lumabas kasama ang mga kaibigan ko at nag-inuman.
Pangalawa, hindi lang iisang beses ang paglabas ko, nasundan pa ito ng dalawang beses. Mas malaki na ang kasalanan ko.
Pangatlo, hindi ko na kinewento sa kanya dahil alam kong magagalit sya pag nalaman nya iyon.
Pero mali ako, walang sekreto na hindi nabubunyag o nalalaman. Nalaman nya lahat iyon, at sa pagkakataong ito, masasabi kong ang kapal na ng mukha ko at kaya ko pang humarap sa kanya.
Pang-apat, ang pagtatabi ng mga mensahe (texts) ay hindi ko dapat ginawa dahil may posibilidad na mabasa nya iyon.
Pang-lima, dahil ngayong alam na nya, hindi na nya ako matanggap.
Hindi ko nga alam kung mahal ba nya ako. Naiintindihan ko naman na nabigla sya at kahit sino magagalit sa ginawa ko.
At sa hindi ko malamang dahilan, nagkukusang bumubuka at nagsasalita ang bibig ko na nagiging resulta sa pagiging defensive na magmumukhang guilty sa mga ginawa ko na ang tingin nya ay pinagtatanggol ko ang mga tao na kasama ko nung lumabas ako.
At sa mga oras na ito, nakapagdesisyon na sya. Hindi nya kinaya at hindi na nya kakayanin dahil kahit anong baliktad at pasikot-sikot sa sitwasyon...
IISA LANG NASA ISIP KO: Hindi nya ako tanggap, ang buong pagkatao ko kahit noong bago pa lang kami. :'(

Maraming iyak (✖╭╮✖)
Oh? Musta naman kayo? maraming salamat sa mga bumisita, syempre bibisitahin ko rin kayo sa mga page nyo. Na-miss ko sobra ang page na ito. Medyo nababalitaan ko na hindi na masyado active ang mga nakilala ko nung last year dito sa blogger. May iba naman na sobrang updated talaga (masisipag kumbaga) at ako naman neutral lang. Medyo nasa tumblr kasi ako minsan tapos pag may bagong post nasa twitter ko naman. (Tumblr mode kapag tinatamad mag-type ng mahaba) At alam nyo na yan, kasi na kwento ko na yan. Pero sa mga iba na hindi pa nakakaalam, ayun na balikan mo nalang ang sinabi ko.
Speaking of "bisita" bihira lang ako bisitahin ng kasipagan sa pag-blo-blogging. :) At kapag binisita naman ako, may pen nga ako pero wala akong dalang kahit scratch paper lang para masulat ko ang mga nasa isip ko.
Minsan naman, kahit naglalakad ako, marami akong naiisip at infairness, may title kaagad tapos pag nasa harap na ako ng computer, hindi ko na maalala ang mga nasa isip ko kanina.
Epekto lang siguro yun sa paglalakad ko papuntang opisina, lalo na malakas ang hangin tapos sumasayaw ang mga puno. (Sumasayaw?) Naku! ang sarap umupo sa tabi tapos tumambay. Kaya lang kung gagawin mo yun sa panahong ito, baka pagkamalan ka na "pulubi" o di kaya "sira-ulo." Ikaw ba naman umupo sa ilalim ng puno ngayon diba? hindi naman lahat ng ilalim ng puno ngayon eh damuhan, madalas ngayon eh semento na. Hmmm... Kaya wag nalang. :)
Sa ngayon, kung ano man nasa isip ko eto na ang tinatype ko. Kea lang minsan hindi rin maiiwasan na bitin. O kaya tinamad na basahin ng readers (kung may mga nagbabasa pa neto.) hahaha!!
Sige, hanggang sa muli. :) Sana may next post pa! :D Ingat kayong lahat! ♥
Pahabol:
| Wala lang, naka-relate lang ako. HAHAHA! |
Madalas ko ito makita sa news feed ko at hindi pinapansin pero hindi rin nagtagal, na pa click na ako sa play. Ayan na! sapul! wagas! :D
Tagalog version ng Strangers Again na video. Lahat un ang madalas i-compare pero mas oks to kasi nag-end ng happy. At talagang may choice talaga na dapat gawin kapag nasa ganitong pagkakataon or nasa ganitong sitwasyon na ang relasyon nyo.