Grabe, tagal ko ng walang post dito sa blog ko. Ang daming invisible spider webs na ako lang nakakakita. Tapos ang daming alikabok.
Eto na, alam na kung bakit ako may bagong post. Para mahawa naman kayo sa pagiging emotera ko. Tungkol nga pala sa pinakahuli kong post na Turn Off.
Kasi si Crush eh. Sa totoo lang, naka moved on na ako sa kanya. Kahit hindi kami, may mga ganung pakiramdam talaga na nabubuo at nauuwi sa pagiging mentally dating. Kasi syempre, crush mo sya at kahit "crush lang" or admiration, nagiinvest ka naman ng feelings mo.
So, bago ko lang nalaman na wala na pala syang girlfriend! As in mainit-init pa! At dahil dun, para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. (May ganun?) Pero! <-- eto na ang salitang ayaw natin marinig.
Nung uwian na namin, nakita ko na may sinalubong sya na dumating. At grabe over to the max! May bago syang babae kaagad! Tapos.... masaklap dun, ganun pala type nya. Waaahh! Dun sya napunta sa ganung klaseng girl. Di ko alam kung ano gusto nya "pagmamahal ba o pera lang."
Sobrang gulat ko na parang gusto ko sya iuntog sa pader! Ayaw ko talaga manghusga pero, yun kasi unang reaksyon ko sa mga nakita ko. Sakit sa puso talaga!
Apektadong tunay lang kasi concerned lang naman kami sa kanya. "Kami" kasi hindi lang ako ang may paghanga sa kanya.
Happy Weekend sa lahat! :)
Quick post lang! :)
Nainis naman ako sa kanya. Taena, ako ba ang utusan? Kalalaking tao.. anyway, may mga tao talagang ganun. Hindi gentleman. :) Pwera nalang kung naka mini skirt ka o kaya naka bikini, naku! baka ni utos wala kang maririnig. TURN OFF!
Ewan ko kung nabasa nyo na ang entry ko. Pero sige, post ko na rin dito kasi mas love ko naman dito.
So, ayun na.. wala lang nagkalat nanaman ako dito sa page ko. hahaha! Ingat kayong lahat :) ♥
Paalala: Ito ay isang panaginip lamang.
So ayun nga, nasa building ako tapos dun ako nagwowork. Weird ng design ng elevators. Walang pintuan, ewan ko paano yun. Tapos yung boss ko daw may girlfriend. Tapos, one night, dalawa kami nakakita na ang girlfriend ng boss ko eh may nilapitan na lalaki. Tapos parang maghahalikan pa ata. Pero pumapalag ang lalaki (na officemate din namin) baka daw may makakita. Tapos yung girl, talaga huhubarin pa ata ang blouse nya. Eh, hindi na nakapagtimpi yung kasama ko (lalaking officemate), sumigaw sya: “Anong ibig sabihin nyan?!” At dahil hindi na ata makapagtimpi ang girlfriend ng boss ko, may dinukot sya galing sa kanyang bag at hinagis sa amin.
“Ayan! (sabay hagis ng mga litrato) yan ang ibig sabihin at yan ang kami!” sigaw ng girlfriend ni boss.
Nagulat kami sa nakita namin sa mga litrato. O_O
Kasal na pala siya sa lalaking gusto niyang halikan kanina pa. OMG! Eh paano na si boss?!
At dahil sa nalaman namin, pinili ko na huwag itong sabihin sa boss dahil ayaw ko rin naman makisawsaw sa problema na iyon. Ngunit ang isa ko pang kasama, hindi nakatiis at dali daling kinuha ang mga litrato pagkatapos ipapaalam daw kaagad niya ito sa HR. Ako naman, natataranta din dahil gusto ko syang pigilan. Hinabol ko sya at nagpaikot-ikot ako sa loob ng opisina kung saan sya na department una nagpunta, ayaw nya pahuli sa akin at dahil huli na ang lahat, nakapasok na sya kwarto ng supervisor, hindi ko sya naabutan. At dahil doon, nagmadali akong hanapin ang boss ko sa buong building.
Napagalaman ko na nasa last floor pala nakatira ang boss ko kasama ang kapatid nyang babae. Nagmamadaling pumunta ako sa last floor. Syempre sumakay ako sa weird na elevator. HAHA! Tapos paglabas ko sa elevator, madilim at tanging ilaw lamang na nanggagaling sa dalawang kwarto ang ganda ng pintuan ng mga kwarto parang nakapasok ako sa isang five star hotel. Sinilip ko ang unang kwarto at sinampit ko ang pangalan ng boss ko. (Wala akong maalala na may nasabi akong pangalan ng boss ko eh.) Tapos walang sumagot kaya pumunta naman ako sa kabilang kwarto. Two doors ang mga pintuan at gold ang hawakan. Wala pa ring sumasagot. Weird talaga kasi open ang mga kwarto nila, madilim ang hallway at walang tao.
Tumingin ako banda sa kaliwa at nakita ko ang pool. Ang cool naman, parang nasa hotel ka talaga. May mga tao sa table malapit sa pool. “Baka si boss yun.” Sabi ko. Tatlo sila naguusap. Malapit na sana ako ng biglang may narinig ako na paparating. Ewan ko kung bakit hindi ko nagawa na lumapit sa boss ko, instead, nag tago pa ako banda sa pool. OMG!
Walang kwenta… nasabi na lahat lahat ng officemate ko ang mga nalaman nya at pinakita pa ang mga litrato.
*Hindi ko alam ang buong nangyari biglang jump to the future kaagad. Eto ang ending:
“Magkatabi kaming dalawa, sweet kaming naguusap.”
Hmm.. nakakakilig yung part na yun ah. Pero nagising na ako eh. Kaya hindi ko alam ano na nangyari sa amin. Ibig sabihin pala sa panaginip ko eh, may gusto ako sa boss ko? hahaha! ewan ko. Just want to share this (not so) interesting dream of mine. Teka, soulmate ko ba sya? OMG! Kasi hindi ko rin makita mukha nya eh. LOL. Boses lang talaga.
Have a great day everyone! ♥
Lumapit si crush!! Eh hindi naman ako prepared noh. Biglaan kasi. Tapos nagtanong sya kumusta daw ako ngayon. Tapos kinuha nya ang cellphone ko, (asdaflahfsaljfksha!) tapos nagtanong sya if gusto ko ba ang mobile phone ko. (Teng-ene? walang ibang matanong?)
HAHA! Tapos, sabi ko: yes! plano daw kasi nya bumili ng bagong phone. Eh yung parehas daw sa akin (para same kami?) sheet! Ayun, nagrecommend ako sa kanya ng ibang model. (Kasi plano ko bumili ng bago at yung ganung model.) Dalawa lang ibig sabihin nun:
1. Para sa kanya talaga ang cellphone.
O
2. Bibilhan nya girlfriend nya. =|
HAHA! whatever. :) Kilig mode pa rin. :) BRB Dying.. :D
HAHA! Tapos, sabi ko: yes! plano daw kasi nya bumili ng bagong phone. Eh yung parehas daw sa akin (para same kami?) sheet! Ayun, nagrecommend ako sa kanya ng ibang model. (Kasi plano ko bumili ng bago at yung ganung model.) Dalawa lang ibig sabihin nun:
1. Para sa kanya talaga ang cellphone.
O
2. Bibilhan nya girlfriend nya. =|
HAHA! whatever. :) Kilig mode pa rin. :) BRB Dying.. :D
