About Me

My Photo
•Emotera•Blogger•Writer•Stalker•Window Shopper•Dreamer•Loner• Blogwalker•

Thursday, September 5, 2013

Huli na kaya ang lahat?


Hindi na kinaya ng damdamin ko ang lahat lahat ng nararamdaman kong ito. Nandito nanaman ako sa blog ko at nagsusulat.

Dumating ba kayo sa punto na hindi mo na pumasok ka sa isang eksena na akala mo kakayanin mong iwan kahit anong oras? Yung hindi ka kakabahan kasi para sa iyo nageenjoy ka lang at wala kang pakialam kung ano man pwde mangyari?

Nasa sitwasyon kasi ako na mas nauuna ang puso kesa gamitin ang utak ko. ANAK NG! Nasa taas naman sana ung utak bakit ang puso ang nasusunod? Sa ngayon, doble ang sakit ng disappointment kasi, doble din ung expectations ko. Yan tao eh! Lakas magexpect tapos pag hindi nangyari ang gustong mangyari, ayan: Sakit sa puso!

Haaaay. Hanggang dito nalang muna. Ingat kayo!

Sunday, June 30, 2013

Napadaan Lang

Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa blog na ito. Pag binabasa ko ung mga dati kong posts eh nakakatawa. Talagang emotera ako. 

Ngaun, hindi ko alam kung bakit lagi ako pinapangako na lagi na akong magsusulat sa blog na ito. Sakit ata iyon na dumapo sa akin sa tuwing nasa nakapatong ang mga daliri ko sa keyboard. 

Teka, musta nga naman kayo lahat? Ang tagal ko na talaga hindi nakakapasyal kasi naman ang daming nangyayari sa akin na hindi ko naman keri na ikwento kasi sa sobrang okay lang ng peg. 

Kakaloka nga eh, pati ung tumblr ko. Iniba ko ung theme, eh ang professional lang hindi bagay ang emotera peg ko. (ano koneksyon?) 


Ang hirap talaga magkagusto sa ibang tao. Kasi parang weather, kahit may pag-asa, hindi mo talaga ma dedetect! Grabe, i swear, sabi may bagyo daw eh bakit may araw? ganda ng weather oh! Sige, sana lagi nalang sabihin ni Kuya Kim na may bagyo para laging ganito ang weather - mainit. 

HAHAHAHA! :D 

Thursday, February 21, 2013

Ang Love Parang Harlem Shake

Pagkatapos tayo dapuan ng epidemya ng "Gangnam Style" eto nanaman ang paparating na epidemya at sa tingin ko, hindi lahat makakarelate.

Paano mo nga naman sayawin ang "Harlem Shake"? Sa umpisa maayos pero pag tumagal, ayun sobrang gulo na! At talagang na relate yun sa "love" ha. Sapul lang talaga ako dun. 

Anyway, eto na nga po, binubuhay ko nanaman ang blog kong ito. Kasi naman maraming kaganapang dapat lang maisulat ko dito at maremember pagdating ng araw. Sabi nga nila "forgive but do not forget." (Oh?! English yun ha.)

Pasensya na sa update ko, sa susunod na ako babawi ulit. Pag maayos na pagiisip ko. 

Note to self:


Ingat kayo lahat! 


Tuesday, May 1, 2012

Hello Summer!


Ooohhh... gumaganun lang ang peg ko dito. Sige na nga, musta na kayo? Nakapag summer na ba kayo? Yung tipong, umalis na kayo sa kinauupuan nyo at umupo sa beach? Kasi ako hindi pa eh. Stay-cation lang ang peg ko. Actually, iisa lang ang post ko sa blogs ko. Parang all in one lang sya. LOL. Ingat kayong lahat! :D


Friday, February 17, 2012

Apektadong Tunay

Grabe, tagal ko ng walang post dito sa blog ko. Ang daming invisible spider webs na ako lang nakakakita. Tapos ang daming alikabok.

Eto na, alam na kung bakit ako may bagong post. Para mahawa naman kayo sa pagiging emotera ko. Tungkol nga pala sa pinakahuli kong post na Turn Off.

Kasi si Crush eh. Sa totoo lang, naka moved on na ako sa kanya. Kahit hindi kami, may mga ganung pakiramdam talaga na nabubuo at nauuwi sa pagiging mentally dating. Kasi syempre, crush mo sya at kahit "crush lang" or admiration, nagiinvest ka naman ng feelings mo.

So, bago ko lang nalaman na wala na pala syang girlfriend! As in mainit-init pa! At dahil dun, para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. (May ganun?) Pero! <-- eto na ang salitang ayaw natin marinig.

Nung uwian na namin, nakita ko na may sinalubong sya na dumating. At grabe over to the max! May bago syang babae kaagad! Tapos.... masaklap dun, ganun pala type nya. Waaahh! Dun sya napunta sa ganung klaseng girl. Di ko alam kung ano gusto nya "pagmamahal ba o pera lang."

Sobrang gulat ko na parang gusto ko sya iuntog sa pader! Ayaw ko talaga manghusga pero, yun kasi unang reaksyon ko sa mga nakita ko. Sakit sa puso talaga!

Apektadong tunay lang kasi concerned lang naman kami sa kanya. "Kami" kasi hindi lang ako ang may paghanga sa kanya.


Happy Weekend sa lahat! :)