Taong Abusado

2/25/2011 03:56:00 PM

Buti nalang may blog ako. Para masulat ko ang sama ng loob ko ngaun. 

Hindi naman ako madamot na tao. Kahit naman sino, talagang magpapahiram naman sa isang bagay. Pero hindi talaga mawawala ang oras na pag nasanay na sa kakahiram at ako naman tong nagpapahiram. Eh sige GO lang ng GO! 

Kapag first time pa lang nanghiram sau ang isang tao, diba? nandun pa ang hiya at pag-aalaga sa gamit mo. Tapos pag nasundan na syempre konti nalang ang natitirang "hiya" sa iyo at sa panghihiram ng gamit mo. 

At eto ang malala, kapag madalas na talaga yung tipong, wala ng paalam syempre yun na yung "walang hiya"

Pero may mas tataas pa dun. Ito ay tinatawag na "Abusado"

Ano nga ba ang abusado? depende yan sa sitwasyon. Di nga, naiinis ako ngayon. Kasi naman. nalaman ko kasi na ginagamit nya ang netbook ko. 

Kahit nung mga nagdaaang gabi at mga nakaraang mga panghihiram nya, wala naman yung paalam eh. Malalaman ko nalang kung nakauwi na ako. :( Syempre, as an owner of that thing, medyo na-ano ako yung nainis na nalungkot. Kasi buong araw nasa trabaho ka tapos pag uwi mo lang nagagamit yun minsan isang oras lang kasi sa sobrang antok mo, madalas i-shu-shutdown mo na. Tapos sya kahit paalam lang sa text wala? Ang sarap sabihing: "sa'yo yan? sa'yo? kung makagamit 'to parang sya ang may-ari."

Ang sarap sabihing: "sa'yo yan? sa'yo? kung makagamit 'to parang sya may-ari."

Grabe, iba kasi itong araw na ito eh. Buong araw nya kasi gamit eh. Syempre, iba na talaga dating sa akin lalo na sinabi pa sa akin na: "Kasi wala ka eh (kaya ginagamit ko)" Putcha! dun talaga nag init ulo ko. So ganun? kung wala ako, sya na ang gagamit? ganun? namputcha naman...I feel bad talaga kasi hindi ko naman sya kapatid eh. Kaibigan ko sya eh. Kahit anong parinig, (sa status) hindi sya natatamaan. Kahit anong istatus ko, wala lang sa kanya at hindi nya alam na sya yung pinapatamaan. Kahit nga picture ko naka middle finger. Hindi pa rin nya magets. Anoooo baa?! sadyang tanga te? O makapal lang talaga ang pages nya? Haay naku! >.<

Kakalungkot talaga na mas natutuwa sya na kapag wala ako para sya ang makagamit nun. To think bago palang yun. Regalo sa akin yun eh. Tas sya lang lalaspag nun? ta*** pero naiinis talaga ako ngayon. 

Ibang klase! Abusado! Sana mawala na tong feeling na 'to. Ayaw ko rin ng ganito. Sobra na kasi eh. Sobra na talaga. =|

Happy Sabado at Linggo sa inyo!

You Might Also Like

9 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!