RP: Weirdo na Panaginip

10/11/2011 05:22:00 PM

Ewan ko kung nabasa nyo na ang entry ko. Pero sige, post ko na rin dito kasi mas love ko naman dito.

Paalala: Ito ay isang panaginip lamang.

So ayun nga, nasa building ako tapos dun ako nagwowork. Weird ng design ng elevators. Walang pintuan, ewan ko paano yun. Tapos yung boss ko daw may girlfriend. Tapos, one night, dalawa kami nakakita na ang girlfriend ng boss ko eh may nilapitan na lalaki. Tapos parang maghahalikan pa ata. Pero pumapalag ang lalaki (na officemate din namin) baka daw may makakita. Tapos yung girl, talaga huhubarin pa ata ang blouse nya. Eh, hindi na nakapagtimpi yung kasama ko (lalaking officemate), sumigaw sya: “Anong ibig sabihin nyan?!”  At dahil hindi na ata makapagtimpi ang girlfriend ng boss ko, may dinukot sya galing sa kanyang bag at hinagis sa amin.

“Ayan! (sabay hagis ng mga litrato) yan ang ibig sabihin at yan ang kami!” sigaw ng girlfriend ni boss.

Nagulat kami sa nakita namin sa mga litrato. O_O

Kasal na pala siya sa lalaking gusto niyang halikan kanina pa. OMG! Eh paano na si boss?!

At dahil sa nalaman namin, pinili ko na huwag itong sabihin sa boss dahil ayaw ko rin naman makisawsaw sa problema na iyon. Ngunit ang isa ko pang kasama, hindi nakatiis at dali daling kinuha ang mga litrato pagkatapos ipapaalam daw kaagad niya ito sa HR. Ako naman, natataranta din dahil gusto ko syang pigilan. Hinabol ko sya at nagpaikot-ikot ako sa loob ng opisina kung saan sya na department una nagpunta, ayaw nya pahuli sa akin at dahil huli na ang lahat, nakapasok na sya kwarto ng supervisor, hindi ko sya naabutan. At dahil doon, nagmadali akong hanapin ang boss ko sa buong building.

Napagalaman ko na nasa last floor pala nakatira ang boss ko kasama ang kapatid nyang babae. Nagmamadaling pumunta ako sa last floor. Syempre sumakay ako sa weird na elevator. HAHA! Tapos paglabas ko sa elevator, madilim at tanging ilaw lamang na nanggagaling sa dalawang kwarto ang ganda ng pintuan ng mga kwarto parang nakapasok ako sa isang five star hotel. Sinilip ko ang unang kwarto at sinampit ko ang pangalan ng boss ko. (Wala akong maalala na may nasabi akong pangalan ng boss ko eh.) Tapos walang sumagot kaya pumunta naman ako sa kabilang kwarto. Two doors ang mga pintuan at gold ang hawakan. Wala pa ring sumasagot. Weird talaga kasi open ang mga kwarto nila, madilim ang hallway at walang tao.

Tumingin ako banda sa kaliwa at nakita ko ang pool. Ang cool naman, parang nasa hotel ka talaga. May mga tao sa table malapit sa pool. “Baka si boss yun.” Sabi ko. Tatlo sila naguusap. Malapit na sana ako ng biglang may narinig ako na paparating. Ewan ko kung bakit hindi ko nagawa na lumapit sa boss ko, instead, nag tago pa ako banda sa pool. OMG!

Walang kwenta… nasabi na lahat lahat ng officemate ko ang mga nalaman nya at pinakita pa ang mga litrato.

*Hindi ko alam ang buong nangyari biglang jump to the future kaagad. Eto ang ending:

“Magkatabi kaming dalawa, sweet kaming naguusap.”

Hmm.. nakakakilig yung part na yun ah. Pero nagising na ako eh. Kaya hindi ko alam ano na nangyari sa amin.  Ibig sabihin pala sa panaginip ko eh, may  gusto ako sa boss ko? hahaha! ewan ko. Just want to share this (not so) interesting dream of mine. Teka, soulmate ko ba sya? OMG! Kasi hindi ko rin makita mukha nya eh. LOL. Boses lang talaga.

Have a great day everyone! ♥
So, ayun na.. wala lang nagkalat nanaman ako dito sa page ko. hahaha! Ingat kayong lahat :) ♥

You Might Also Like

3 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!