Apektadong Tunay

2/17/2012 11:06:00 AM

Grabe, tagal ko ng walang post dito sa blog ko. Ang daming invisible spider webs na ako lang nakakakita. Tapos ang daming alikabok.

Eto na, alam na kung bakit ako may bagong post. Para mahawa naman kayo sa pagiging emotera ko. Tungkol nga pala sa pinakahuli kong post na Turn Off.

Kasi si Crush eh. Sa totoo lang, naka moved on na ako sa kanya. Kahit hindi kami, may mga ganung pakiramdam talaga na nabubuo at nauuwi sa pagiging mentally dating. Kasi syempre, crush mo sya at kahit "crush lang" or admiration, nagiinvest ka naman ng feelings mo.

So, bago ko lang nalaman na wala na pala syang girlfriend! As in mainit-init pa! At dahil dun, para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. (May ganun?) Pero! <-- eto na ang salitang ayaw natin marinig.

Nung uwian na namin, nakita ko na may sinalubong sya na dumating. At grabe over to the max! May bago syang babae kaagad! Tapos.... masaklap dun, ganun pala type nya. Waaahh! Dun sya napunta sa ganung klaseng girl. Di ko alam kung ano gusto nya "pagmamahal ba o pera lang."

Sobrang gulat ko na parang gusto ko sya iuntog sa pader! Ayaw ko talaga manghusga pero, yun kasi unang reaksyon ko sa mga nakita ko. Sakit sa puso talaga!

Apektadong tunay lang kasi concerned lang naman kami sa kanya. "Kami" kasi hindi lang ako ang may paghanga sa kanya.


Happy Weekend sa lahat! :)


You Might Also Like

6 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!