After 3 Hours... A Confession of a (Window) Shopper

12/20/2010 03:38:00 PM

This is a confession of a (window) shopper. :)

Ano ba ginawa ko nung sabado? Naku! Ewan ko nalang. Busy lahat ng tao sa pamimili ng para sa Noche Buena, sa mga pang regalo nila, isusuot nila sa Christmas Party at yung iba eh nanggugulo lang sa mall para mas lalong dumami ang tao at hindi mo na maramdaman ang lamig ng AC. :)

Parang isa na ako dun. hahaha! Kasi naman eh, gustong gusto ko mag shopping. So, ayun nah... binisita na ako ng kasipagan ko maglakad at pumasok sa lahat ng boutique at kahit sa department store eh nakigulo na rin ako. Maraming magaganda at infairness wala namang SALE as in MALL WIDE SALE na nagaganap pero syempre may mga items naman na natira nung nakaraang buwan ng SALE so in short, SALE pa rin yun.

Pero hindi ako dun nakikigulo yung parang maguukay ka ng mga damit. Hindi ako dun. hahaha! :) May hinahanap ako na pwede ko sa isuot sa Christmas day. (ganun eh noh? sabi ko hindi ko feel pero parang nahahawa na ako sa mga tao sa mall) Syempre kahit naman papaano eh dapat magsimba tau sa Pasko! :) Ooohh bongga noh? Note: hindi lang dapat tuwing Pasko, dapat every Sunday or at least magbigay ng oras kay Papa God. :)

Balik tau sa paglalakad at interest ko na mag shopping. habang lahat ng stores napasukan ko na at may mga okay naman may mga hindi naman (dahil na rin sa presyo) eh nawalan na ako ng gana magshopping. At isipin mo yun, naglalakad lakad lang ako nang hindi ko man laman namalayan ang oras! Naku naman! :D

After 3 hours, walang nangyari sa pagbrobrowse ko ng mga damit sa lahat ng boutique at sa dept. store! naku naman! FAILED! Sakit na ng paa ko at gusto ko na talaga magpahatak or mag wheel chair. naman oh! =|

Oopps.. pero okay lang, siguro nadala lang ako sa mga nakikita ko sa mall yung isang pamilya namimili tapos may magkaibigan or magkapatid maraming bitbit... so sa tingin ko, hindi pa rin dapat gumastos ng grabe siguro isang Wedge/Platforms Shooess lang pweeeddeee? hahaha! Oks na yun iisa lang pero lagpas isang libo naman. PAGIISIPAN ko pa! :D

Eh kayo? Nakapag-shopping na ba kayo? Oo nga pala, tapos nako bumili ng gifts para sa family ko kaya this time ako naman, para sa sarili ko naman. Kaya lang wala naman akong nabili! LOSSAR! Pero watch out magsho-shopping din ako. BWAHAHAHAHA! Evil laugh * >:-)



Merry Christmas People! :) ♥

You Might Also Like

10 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!