Time and Space

5/30/2011 03:41:00 PM


Bakit nga ba may mga hinihinging time and space bago makapag-usap muli ang dalawang dating magkasintahan? Ano nga ba ang time and space? 

Parang gusto mo sya bigyan ng relo para malaman nya na mabilis tumakbo ang oras at hindi dapat ito sayanging. 

Space. Kung gusto ng space dapat dun sa outer space itapon at ng hindi mamamalayan ang oras at space na nagamit niya. (Kung sino man ang nanghihingi..)

Sino ang kawawa? syempre ang naghihintay. Paano kung naaliw na sya sa space at time na hiningi nya? Dalawa lang yan eh: (Una) Nanghingi sya ng time and space dahil gusto nya isipin lahat ng positive thoughts nung magkasama pa kayo at maisip nya na bumalik sya o kaya (Pangalawa) Naaliw na sya sa outer space at wala nang halaga sa kanya ang oras kung nasasayang ba at hindi na sya bumalik sayo. Tsk.

Lahat ito ay sugal. Tumataya ka na hindi mo alam kung sino sa inyo ang mananalo. 

Ingat kayong lahat!

You Might Also Like

1 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!