Love, Faith at Hope
2/07/2011 11:45:00 AMKapag buwan ng Pebrero, marami akong naalala na memories eh. Yung tipong napapangiti ka kapag naalala mo. Pero nakasimangot ka o kaya naiinis nung nangyari yun. Kinikilig ka na medyo naasar na ewan. Lam mo yung ganung feeling? tapos at the end, may paghihinayang factor. ;) Katulad ng ganitong kwento:
English Class:
"Good Morning! Ma'am" bati ng mga estudyante pagpasok ng kanilang English teacher. "Good morning, class!" Sagot naman nito. "How's your Valentine's Day so far?" sabay tanong ng kanilang guro. Agad naman sya sinagot ng mga estudyante" "So far, sooo good!". "How about, let's play a game?" may pagka-naughty na tanong ng kanilang teacher.
"Yehey!" "Yes!" named it, lahat ng kasiyahan lalabas sa bibig ng mga estudyante kapag nalaman nila hindi sila mag lelecture. Masigla nanaman ang mga estudyante.
"Okay class, group yourselves into 3, then get only 1 pen and a whole sheet of paper." Agad naman sinunod ng mga estudyante ang instructions ng kanilang teacher.
Pagkatapos ng tatlong minuto...
Nagsulat na ang teacher nila sa board: "Valentine" "Okay. class, list down all the words that you can get from the word Valentine in 15 minutes." Agad naman pumalag si Ann "Maam, how about "Valentine's Day" para po mas maraming letters." Sumang-ayon naman agad ang teacher. "Fine. Valentine's Day. Time starts NOW!"
Nakasulat sa board: Valentine's Day
After 15 minutes...
Nagtanong na ang teacher sa bawat grupo kung ilan ang nakuha nilang salita at sinulat sa board. At ang nanalo ay ang grupo nila Ann, Lui at Bea. Kaya naman... Tinanghal sila na Ms. Love (Ann), Ms. Faith (Lui) at Ms. Hope(Bea).
Okay na sana, nang may nag suggest na kailangan rumampa sa corridor at dapat may escort. Sumangayon naman kasi ang teacher kaya walang kawala ang tatlo. Syempre, ang mga dakilang admirers nila ang pinares sa kanila nag buong klase. Abot tenga ang ngiti ng mga ito. Tsk. Tsk.
Pero mas kinabahan si Bea kasi sila ang may mas malakas na love team sa klase (taray!) Kea naman, nagmadaling maglakad sa corridor si Bea para makabalik kaagad sa classroom at hindi na makasama si admirer. haha! Nakakagulat na Valentine's day ito sa kanila lalo na dun kay Bea. :)
Wala lang, naikwento ko lang to.. :)
11 MGA NAG-EMOTE