Titigan

2/22/2011 10:01:00 PM

Nung nakaraang post ko. Oo yung nakaraan yung hindi recently yung may sapot na na ng gagamba.. Titled: Sakayan. Yun yung minsang eksena sa jeepney stop.

Pero mas ibang-iba talaga ang feeling kapag nasa loob ng jeep. Aminin mo kahit ikaw nararamdaman mo to. (Except sa mga bloggers at readers [kung meron] na may sariling sasakyan) Sigurado ako madalas ikaw ang "NABABATO" / "NABABAGOT" / "NABOBORED".

Ano ba ginagawa mo madalas pag bored ka sa loob ng jeep? Hmm... minsan isa o dalawa sa mga ito ang (madalas) ginagawa ko:

• Nag-aabot ng bayad sa driver. (ang bait ko noh?)
Minsan kasi kapag inaabot na ng isang pasahero kahit na kalabiting pa nya ang nasa harap nya, deadma lang. Kea ayun, para hindi rin boring nag-aabot din ako ng pamasahe. Pero syempre nagbabayad din ako.

• Sound trip mode. Naka earphone or naka headset. At yung kanang paa ay sumasayaw. Pero minsan ko lang to ginawa kasi nangyari na sa akin na nakalimutan ko na may earphone ako at ayun, nahila ko ng hindi inaasahan medyo malapit na naputol ang headset. haha!

• Nagtetext. Lalo na pag traffic. Hindi ko rin to ginagawa kasi good luck sa snatcher or holdaper! :D hahaha

• Nakatingin side view ang leeg at mukha nakatingin sa labas. Bahala na mag ka stiff neck basta mas maganda naman ang view sa labas habang umaandar ang jeep.


Eto malupit eh:

• Tinitingnan ang mga mukha na mga pasahero. Kadalasan sa paa mo or sa sapatos ka nakatingin para hindi ma offend or ma conscious ang nasa harapan mo. Pero minsan, hindi ito maiiwasan ang:

"Titigan portion" kapag napansin mo na tinititigan ka ng kaharap mo na pasahero, tititigan mo rin. At pag nahuli mo sya, iiwas sya ng tingin, at syempre ako tititigan ko pa rin sya. Hanggang sa maramdaman nya na nalulusaw na sya. hahaha! :D Pero minsan nakakatawa. Pero syempre, kailangan mo rin pigilan. or kumuha ka nalang ng panyo tapos takpan mo bibig mo at palihim na tumawa. ahihihihi...

Nakakalito sa loob ng jeep. Kasi minsan pag may magbabayad at aabutin ko minsan dalawa kaming sabay tapos ibaba namin sabay ang kamay namin tapos iaangat nanaman hanggang sa isa sa inyo magsasabing "ikaw na!" hahaha! kahit sa pag abot ng sukli ganun din.

Haay.. minsan nga eh. nakasakay na rin ako na parang holdaper ang mukha tapos tingin ng tingin sa akin, tinitigan ko rin tapos binuka ko yung bibig ko parang read my lips portion: "ano problema mo?!" at samahan mo ng mataray na facial expression. tadaaah! hindi pa rin sya tumigil. kea sa tingin ko baliw yun.

Pero eto ang cheesy... pag may cute or maganda sa jeep tapos magtitigan kayo sandali tapos sabay din kau iiwas pag-nag tama ang paningin nyo. hahaha! at lihim na ngingiti... :D aaayeee... nakarelate kaba? 
Naku! eto na yung sinasabi na:

"THE MOMENT MAY ONLY LAST A FEW SECONDS... BUT THE MEMORIES OF IT WILL LAST A LIFETIME." <3

You Might Also Like

6 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!