Oh? - HA!

6/23/2011 04:07:00 PM

Oh? Musta naman kayo? maraming salamat sa mga bumisita, syempre bibisitahin ko rin kayo sa mga page nyo. Na-miss ko sobra ang page na ito. Medyo nababalitaan ko na hindi na masyado active ang mga nakilala ko nung last year dito sa blogger. May iba naman na sobrang updated talaga (masisipag kumbaga) at ako naman neutral lang. Medyo nasa tumblr kasi ako minsan tapos pag may bagong post nasa twitter ko naman. (Tumblr mode kapag tinatamad mag-type ng mahaba) At alam nyo na yan, kasi na kwento ko na yan. Pero sa mga iba na hindi pa nakakaalam, ayun na balikan mo nalang ang sinabi ko.

Speaking of "bisita" bihira lang ako bisitahin ng kasipagan sa pag-blo-blogging. :) At kapag binisita naman ako, may pen nga ako pero wala akong dalang kahit scratch paper lang para masulat ko ang mga nasa isip ko. 

Minsan naman, kahit naglalakad ako, marami akong naiisip at infairness, may title kaagad tapos pag nasa harap na ako ng computer, hindi ko na maalala ang mga nasa isip ko kanina. 

Epekto lang siguro yun sa paglalakad ko papuntang opisina, lalo na malakas ang hangin tapos sumasayaw ang mga puno. (Sumasayaw?) Naku! ang sarap umupo sa tabi tapos tumambay. Kaya lang kung gagawin mo yun sa panahong ito, baka pagkamalan ka na "pulubi" o di kaya "sira-ulo." Ikaw ba naman umupo sa ilalim ng puno ngayon diba? hindi naman lahat ng ilalim ng puno ngayon eh damuhan, madalas ngayon eh semento na. Hmmm... Kaya wag nalang. :)

Sa ngayon, kung ano man nasa isip ko eto na ang tinatype ko. Kea lang minsan hindi rin maiiwasan na bitin. O kaya tinamad na basahin ng readers (kung may mga nagbabasa pa neto.) hahaha!! 

Sige, hanggang sa muli. :) Sana may next post pa! :D Ingat kayong lahat! ♥

Pahabol:

Wala lang, naka-relate lang ako. HAHAHA!


You Might Also Like

6 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!