About Me

My Photo
•Emotera•Blogger•Writer•Stalker•Window Shopper•Dreamer•Loner• Blogwalker•

Monday, June 27, 2011

Wala Na Bang Pag-Ibig?


Alam nyo, sobrang lungkot ko ngayon eh. Hindi ako mabuting tao.Lahat ng nagawa kong kasalanan recently, eh nagbunga na ng mga consequences na hindi ko kaya harapin.

Una sa lahat, ang hindi pagtupad ng usapan namin. Inaamin ko, hindi ko na control ang sarili ko na lumabas kasama ang mga kaibigan ko at nag-inuman.

Pangalawa, hindi lang iisang beses ang paglabas ko, nasundan pa ito ng dalawang beses. Mas malaki na ang kasalanan ko.

Pangatlo, hindi ko na kinewento sa kanya dahil alam kong magagalit sya pag nalaman nya iyon.

Pero mali ako, walang sekreto na hindi nabubunyag o nalalaman. Nalaman nya lahat iyon, at sa pagkakataong ito, masasabi kong ang kapal na ng mukha ko at kaya ko pang humarap sa kanya.

Pang-apat, ang pagtatabi ng mga mensahe (texts) ay hindi ko dapat ginawa dahil may posibilidad na mabasa nya iyon.

Pang-lima, dahil ngayong alam na nya, hindi na nya ako matanggap.

Hindi ko nga alam kung mahal ba nya ako. Naiintindihan ko naman na nabigla sya at kahit sino magagalit sa ginawa ko.

At sa hindi ko malamang dahilan, nagkukusang bumubuka at nagsasalita ang bibig ko na nagiging resulta sa pagiging defensive na magmumukhang guilty sa mga ginawa ko na ang tingin nya ay pinagtatanggol ko ang mga tao na kasama ko nung lumabas ako.

At sa mga oras na ito, nakapagdesisyon na sya. Hindi nya kinaya at hindi na nya kakayanin dahil kahit anong baliktad at pasikot-sikot sa sitwasyon...


IISA LANG NASA ISIP KO: Hindi nya ako tanggap, ang buong pagkatao ko kahit noong bago pa lang kami. :'(


Maraming iyak (✖╭╮✖)

8 comments:

nuerin said...

I think in the first place, wala talagang pag-ibig. Walang karapatan ang kahit sino na baguhin ang isang tao. :D that's merely my opinion, though.
i think that we you love someone, it should be a package. Meaning the good traits and flaws. :D
can we exchange links?
http://nuerin.wordpress.com/

Anonymous said...

parang kwento ni mystic sa x men first class

-kikilabotz

MD said...

awwwwwwwwwwwww

nuerin said...

hello again. na-add na kita sa blogroll ko. :D

Anciro said...

ayos ung kwento hhehhehehhe

Trowa said...
This comment has been removed by the author.
Trowa said...

auwww T_T.. ndi dapat ganun, maliit na bagay lang naman yun. sabi nga ni nuerin " walang karapatan ang kahit sino na baguhin ang isang tao " . tama naman yun, kung mahal ka talaga ng isang tao dapat tanggap ka nya kahit ano ka pa.. He loves you, just talk to him.. cheer up.^_^

Mitchie said...

alam mo sis, cguro kung love ka talaga nung tao ndi sya magagalit sa mga bagay na ginagawa mo, sa mga decisions mo. kasi ganyan ka na eh, I mean part na yan ng pagkatao mo. So if he really loves you, tatanggapin nya yang mga bagay na yan.
Hindi naman kasi natin kailangan magbago eh, ang kailangan natin eh ung taong matatanggap tayo sa kung ano at sino tayo.

wag ka ng malungkot. we're here for you. alamuyan! :)