About Me

My Photo
•Emotera•Blogger•Writer•Stalker•Window Shopper•Dreamer•Loner• Blogwalker•

Monday, June 27, 2011

Wala Na Bang Pag-Ibig?


Alam nyo, sobrang lungkot ko ngayon eh. Hindi ako mabuting tao.Lahat ng nagawa kong kasalanan recently, eh nagbunga na ng mga consequences na hindi ko kaya harapin.

Una sa lahat, ang hindi pagtupad ng usapan namin. Inaamin ko, hindi ko na control ang sarili ko na lumabas kasama ang mga kaibigan ko at nag-inuman.

Pangalawa, hindi lang iisang beses ang paglabas ko, nasundan pa ito ng dalawang beses. Mas malaki na ang kasalanan ko.

Pangatlo, hindi ko na kinewento sa kanya dahil alam kong magagalit sya pag nalaman nya iyon.

Pero mali ako, walang sekreto na hindi nabubunyag o nalalaman. Nalaman nya lahat iyon, at sa pagkakataong ito, masasabi kong ang kapal na ng mukha ko at kaya ko pang humarap sa kanya.

Pang-apat, ang pagtatabi ng mga mensahe (texts) ay hindi ko dapat ginawa dahil may posibilidad na mabasa nya iyon.

Pang-lima, dahil ngayong alam na nya, hindi na nya ako matanggap.

Hindi ko nga alam kung mahal ba nya ako. Naiintindihan ko naman na nabigla sya at kahit sino magagalit sa ginawa ko.

At sa hindi ko malamang dahilan, nagkukusang bumubuka at nagsasalita ang bibig ko na nagiging resulta sa pagiging defensive na magmumukhang guilty sa mga ginawa ko na ang tingin nya ay pinagtatanggol ko ang mga tao na kasama ko nung lumabas ako.

At sa mga oras na ito, nakapagdesisyon na sya. Hindi nya kinaya at hindi na nya kakayanin dahil kahit anong baliktad at pasikot-sikot sa sitwasyon...


IISA LANG NASA ISIP KO: Hindi nya ako tanggap, ang buong pagkatao ko kahit noong bago pa lang kami. :'(


Maraming iyak (✖╭╮✖)

Thursday, June 23, 2011

Oh? - HA!

Oh? Musta naman kayo? maraming salamat sa mga bumisita, syempre bibisitahin ko rin kayo sa mga page nyo. Na-miss ko sobra ang page na ito. Medyo nababalitaan ko na hindi na masyado active ang mga nakilala ko nung last year dito sa blogger. May iba naman na sobrang updated talaga (masisipag kumbaga) at ako naman neutral lang. Medyo nasa tumblr kasi ako minsan tapos pag may bagong post nasa twitter ko naman. (Tumblr mode kapag tinatamad mag-type ng mahaba) At alam nyo na yan, kasi na kwento ko na yan. Pero sa mga iba na hindi pa nakakaalam, ayun na balikan mo nalang ang sinabi ko.

Speaking of "bisita" bihira lang ako bisitahin ng kasipagan sa pag-blo-blogging. :) At kapag binisita naman ako, may pen nga ako pero wala akong dalang kahit scratch paper lang para masulat ko ang mga nasa isip ko. 

Minsan naman, kahit naglalakad ako, marami akong naiisip at infairness, may title kaagad tapos pag nasa harap na ako ng computer, hindi ko na maalala ang mga nasa isip ko kanina. 

Epekto lang siguro yun sa paglalakad ko papuntang opisina, lalo na malakas ang hangin tapos sumasayaw ang mga puno. (Sumasayaw?) Naku! ang sarap umupo sa tabi tapos tumambay. Kaya lang kung gagawin mo yun sa panahong ito, baka pagkamalan ka na "pulubi" o di kaya "sira-ulo." Ikaw ba naman umupo sa ilalim ng puno ngayon diba? hindi naman lahat ng ilalim ng puno ngayon eh damuhan, madalas ngayon eh semento na. Hmmm... Kaya wag nalang. :)

Sa ngayon, kung ano man nasa isip ko eto na ang tinatype ko. Kea lang minsan hindi rin maiiwasan na bitin. O kaya tinamad na basahin ng readers (kung may mga nagbabasa pa neto.) hahaha!! 

Sige, hanggang sa muli. :) Sana may next post pa! :D Ingat kayong lahat! ♥

Pahabol:

Wala lang, naka-relate lang ako. HAHAHA!


Monday, June 13, 2011

Love-Hate Relationship: By Chance

Madalas ko ito makita sa news feed ko at hindi pinapansin pero hindi rin nagtagal, na pa click na ako sa play. Ayan na! sapul! wagas! :D






Tagalog version ng Strangers Again na video. Lahat un ang madalas i-compare pero mas oks to kasi nag-end ng happy. At talagang may choice talaga na dapat gawin kapag nasa ganitong pagkakataon or nasa ganitong sitwasyon na ang relasyon nyo.

Saturday, June 11, 2011

You (Don't) Deserve Me


Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng na nararamdaman ko nang mabasa ko ang huling mensahe nya:

"I think it's time that I let you go."

May karugtong pa ang mensahe pero hindi ko nalang tinapos. Dun palang sa umpisa nawalan na ako ng gana. 

Sa tingin ko tama na rin yun. Kahit na masakit dapat talaga tanggapin. Siguro nga tama ang nararamdaman nyo para sa isa't-isa pero hindi sapat yun para maging kayo talaga sa huli.

In short: We have to let go with each other.  ouch! T_T

At nawalan na ako ng gana mag-type... (-___-)

Friday, June 10, 2011

Malamang Pagmamahal Nga

Nabasa ko lang and gusto ko naman i-repost dito. (Excuse para may update?)

Kung totoong mahal mo ang isang tao, naranasan mo na lahat to:

Biglang maiinis
Magagalit sa pinakamaliit na dahilan
...Mapikon sa walang kwentang bagay
Umiyak dahil nasaktan
Magselos ng hindi alam ang dahilan
Malungkot dahil miss mo na siya
Magsaya dahil magkasama kayo
Kiligin sa mga calls and text na sweet
Managinip ng weird
Magisip ng imposible
Magsalita ng magisa
At higit sa lahat, mabaliw

Ayun lang... ewan ko nalang... pagmamahal ba yan? tsk. 

Happy Weekend sa inyo! =)

Monday, June 6, 2011

I'd Lie



Hindi ko alam, kung masaya ba ako sa mga pinag-gaga-gawa ko ngayon. =| Ako kasi, masyadong palangiti pero sa totoo lang may tinatagong lungkot. Lahat naman tayo siguro ganun. Kasi kapag masyado tayong transparent sa ibang tao baka sabihan ka pa na "O.A." Tsk. Mas okay na yun, maging masaya ka sa harap nila kahit na malungkot ka.

Ang sarap i-blog ng mga gusto kong ilabas ng sama ng loob. Hindi ko lang alam saan ako magsisimula dahil sa sobrang dami kong iniisip at nahahati na ang utak ko at hindi rin magtatagal sasabog na rin ito. Tsk.


Sa ngayon, nakakangiti pa ako, nakakapangit kasi ang hindi mag-smile. :) Sabi nga:

Pag may pinagdadaanan ka na problema, eh di daanan mo lang. Wag mo na hintuan.

Hindi ata ito totoo kasi yun ang ginawa ko pero in the end magkikita rin kayo sa kanto. Wagas! wala kang takas!

Ingat kayo palagi! :)