◘ 10th Post: May Tama Rin Ako ◘

9/01/2010 01:58:00 PM

='( ang lungkot naman ng umaga ko. Ang saklap-saklap. Hindi ko alam, kung ano gagawin ko, gusto kong maiyak, malungkot, ngumiti, sumigaw, tumakbo kahit saan papunta, uminom ng alak, o tanggapin nalang ito lahat. Hindi ako nababaliw [syempre sino naman aamin nun?], halo-halo lang talaga ang emosyon na nararamdaman ko ngaun.

Sino ba pwede mag-explain sa akin ng ganitong pangyayari sa buhay?

Pag wala kang ginagawang masama: Pinagdududahan ka na may ginawa kang masama.
Pag may iba kang kausap or interaction sa social websites: Nakikipaglandian ka na.
Kapag marami kang kaibigan na opposite sex mo: Iisipan ka na, lahat yun may gusto sayo.
Kapag nageexplain ka sa side mo: Lalabas pa na ikaw ang guilty.
Kapag hindi ka nagexplain dahil alam mong hindi sya maniniwala: Guilty ka pa rin.
Kapag sinasagot mo lahat ng tanong nya sayo: Ayaw nya maniwala.
Kapag hindi ka sasagot dahil alam mong balewala rin: Sasabihin nya: "oh? ano? hindi ka makasagot kasi totoo!"

Parang kanta lang ni Jay-R Siaboc: May Tama rin Ako.











Minsan kapag ganito ang sitwasyon, ikaw nalang ang magpapakumbaba, dahil kung hindi baka walang mangyayari sa pagtatalo. Nangyayari ito kasi gusto natin maging maayos ang lahat. Kahit na alam mo hindi na maibabalik ang dati.

Parang chocolate na kapag natunaw, hindi na maibabalik sa original na hugis.

Tapos eto ewan ko rin sa ganitong sitwasyon:

Kapag nasa Relasyon ka: MAKIKITA MO NA MASASAYA ANG MGA SINGLES.
Kapag Single ka: NAKIKITA MO NA MASAYA KAPAG NASA RELATIONSHIP KA.

Bakit kaya ganun? Madalas ko ito sabihin sa sarili ko: HINDI AKO NAGKULANG, HINDI LANG SYA NAKUNTENTO. =(

Emotion: Sad
Mood: Loner

You Might Also Like

3 MGA NAG-EMOTE

Thank You!

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!