MASAMANG PANAGINIP (BOOK 2) ( ♥╭╮♥)

9/18/2010 10:15:00 AM


Pagkatapos ng masamang panaginip ko noong nakaraan. Maiyak-iyak akong nagising kaninang umaga. Dahil sa napaginipan ko.  

Ganito kasi yun:

Yung kasintahan ko daw ng halos limang taon, eh magpapakasal sa isang babae na kakikilala lang nila. Ang masaklap dun, wala naman kaming naging problemang dalawa at kami pa rin hanggang sa araw ng kasal nila. (weird noh? kasal nanaman ang dream ko.)

Hindi ko matanggap yung sitwasyon ko, dahil kami ang magkasintahan tapos sa iba sya magpapakasal! Hindi ko mabasa ang expression ng mukha ng kasintahan ko. Kung masaya ba sya sa desisyon na yan o ayaw na ba nya sa akin? ANO BA?

Ang alam ko lang, nagising lang ako isang araw at nalaman ko nalang na magpapakasal sila! (OMG!

Grabe, hanggang sa huling araw na magkasama kami, nagtatanong ako sa kanya "bakit?" ngunit wala syang sinasabing dahilan o paliwanag kung bakit nangyari yun. Parang espiritu ako nun na hindi nya nakikita. 

Dun na nagumpisa tumulo ang mga luha ko (╥.╥), at hindi nako mapakali. Dahil sa mga huling sandaling yun, gusto ko magising at gusto ko mapatunayan na panaginip lang yun.

► At! ang music background nun eh: "Miss You Like Crazy" (neemmaan!)

At dahil bukas na ang kasal nila, naisip ko daw na huwag dumalo, (imagine, invited ako?!) lahat ng mga kaibigan nya nandun pero wala sa kanila nagbanggit sa kaibigan n(kasintahan ko) tungkol sa akin. (bakit kaya?)

Hindi ko napigilan mapaluha (╥.╥)...

Nagising ako na naluluha. Taena! Panaginip pala yun! huhuhu... ang sakit nun ah at masaklap talaga kung magiging totoo man yun. 

Gusto ko lang malaman, kung ano ibig-sabihin nung panaginip na yun?

Nung nakaraan, maraming nagbigay ng opinyon nila tungkol sa panaginip ko. Ngayon, please help what does it mean? 


You Might Also Like

11 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!