HELLO 2011!

1/01/2011 05:42:00 PM

Kumusta naman ang pagsalubong ninyo sa bagong taon? Ako, okay lang naman. Hindi na rin kasi masyado excited lalo na alam ko na uulan pagsapit ng bagong taon. So... music mode nalang at kumain ng mga sweet desserts. Yay! Chocolate cake plus fruit salad plus brownies tapos ang inumin Coke! Tingnan natin kung hindi tumaas ang blood sugar mo. hahaha! 

Anyway, back to work at school nanaman next week. Expect more passengers at heavy traffic. Hindi na ulit ako kampanteng papasok ng 15 minuto bago ang work hours namin sa trabaho. At pag-uwi ay mahihirapan sumakay kasi rush hour. 


May mga new year's resolution ba kayo? Lahat naman tayo nakapagsulat nuong grade school pa tayo. Pero ngayon, hindi ko lang alam sa iba. Okay lang naman daw may listahan ng new year's resolution dahil ito daw yung nagpapatunay na gusto mo talagang may pagbabago at may magbago sa bagong taon na darating. 

Maraming forecast at kung sino-sino ang mga magiging maswerte sa bagong taon. Ganunpaman, tayo pa rin ang gagawa ng sarili nating kinabukasan at swerte sa lahat ng aspeto ng buhay.
Manigong Bagong Taon. :)

You Might Also Like

8 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!