Sa Sakayan
1/21/2011 11:27:00 AM"Perfect" |
Lakas ng hangin. Gustong gusto ko ang pakiramdam ng pagkakahampas ng malamig na hangin sa mukha ko. Napapasayaw ang buhok ko at sumisingkit ang mata ko.
Kapag ganito ang panahon, ang sarap binibisita ako ni imahinasyon. Iniisip ko may hihintong sasakyan sa harap ko tapos magaalok ng sakay pauwi. (Pero yung kakilala ko lang ha).
Minsan, may panahon na nakakairita kapag matagal kang nakatayo sa sakayan tapos lahat ng dumaan eh puno na. Pero dahil malamig ang panahon at hindi naman masyadong marami ang naghihintay, oks lang sa akin ang tumayo dun at maghintay sa may bakante pa.
Feeling ko may makakakita sa akin na kakilala ko, tapos mag kakamustahan kami. Mag uusap ng kung ano-anong bagay. May malakas na tawanan at mayroong usapan na ibang tao ang pinaguusapan.
Pero syempre, wala naman. Hindi naman yun mangyayari. Parang hangin lang din yun, madadampisan ka pero pag wala na, eh di wala na rin maramdaman balik sa reality ka na. At di mo nalang mamalayan na napangiti ka sa (walang kwentang) imahinasyon mo.
"Beep! Beep!" busina ng jeep. Hindi talaga ako binibigo ng pagkakataon. Kung kailan tapos na imahinasyon ko, saka darating ang hinihintay ko na totoong pagkakataon. Bihira lang naman ito mangyari (ang maghintay ng matagal) dahil hindi naman dapat lahat minamadali. Minsan kailangan mo rin naman makiramdam sa paligid mo at hindi ka nauuna.

14 MGA NAG-EMOTE