Aminin... lagi kayong updated sa "status" nyo sa social networking sites kung san kayo member. Syempre, hindi maiiwasan pati ang kalagayan (status) ng puso mo eh, syempre binabahagi mo sa mga kaibigan mo.
Para maiba dito naman sa blog. hehehe...
Para maiba dito naman sa blog. hehehe...
Ano ba status ng puso mo?
Hindi to exam na dapat pang-pag isipan ng malalim, at lalo namang walang tamang score sa sagot nyo at syempre wala rin namang perfect. :) ♥Puso sa Puso lang to. =)
[pero kapamilya po ako ah.]
Pagkatapos ng masamang panaginip ko noong nakaraan. Maiyak-iyak akong nagising kaninang umaga. Dahil sa napaginipan ko.
Ganito kasi yun:
Yung kasintahan ko daw ng halos limang taon, eh magpapakasal sa isang babae na kakikilala lang nila. Ang masaklap dun, wala naman kaming naging problemang dalawa at kami pa rin hanggang sa araw ng kasal nila. (weird noh? kasal nanaman ang dream ko.)
Hindi ko matanggap yung sitwasyon ko, dahil kami ang magkasintahan tapos sa iba sya magpapakasal! Hindi ko mabasa ang expression ng mukha ng kasintahan ko. Kung masaya ba sya sa desisyon na yan o ayaw na ba nya sa akin? ANO BA?
Ang alam ko lang, nagising lang ako isang araw at nalaman ko nalang na magpapakasal sila! (OMG!)
Grabe, hanggang sa huling araw na magkasama kami, nagtatanong ako sa kanya "bakit?" ngunit wala syang sinasabing dahilan o paliwanag kung bakit nangyari yun. Parang espiritu ako nun na hindi nya nakikita.
Dun na nagumpisa tumulo ang mga luha ko (╥.╥), at hindi nako mapakali. Dahil sa mga huling sandaling yun, gusto ko magising at gusto ko mapatunayan na panaginip lang yun.
► At! ang music background nun eh: "Miss You Like Crazy" (neemmaan!)
At dahil bukas na ang kasal nila, naisip ko daw na huwag dumalo, (imagine, invited ako?!) lahat ng mga kaibigan nya nandun pero wala sa kanila nagbanggit sa kaibigan n(kasintahan ko) tungkol sa akin. (bakit kaya?)
Hindi ko napigilan mapaluha (╥.╥)...
Nagising ako na naluluha. Taena! Panaginip pala yun! huhuhu... ang sakit nun ah at masaklap talaga kung magiging totoo man yun.
Gusto ko lang malaman, kung ano ibig-sabihin nung panaginip na yun?
Nung nakaraan, maraming nagbigay ng opinyon nila tungkol sa panaginip ko. Ngayon, please help what does it mean?
Paano ako mawawalan? Eh kahit kailan hindi naman naging akin? |
....nag iisip kung ano dapat at hindi na dapat gawin. Kailangan na ba tapusin o kailangan pa rin ipagpatuloy? Madalas, mas gusto natin ang masaktan kesa sa maging masaya na walang inaalala. Dahil kapag nasasaktan ka at umiiyak: alam mo sa sarili mo na, BUHAY KA PA at HUMIHINGA.
... paano naman kung sabi ng isip mo: "Tama na! Itigil mo na!" pero ang puso mo: "wag! maging matatag ka lang..."
... wala akong tinutukoy kung saang aspeto ito, nasa inyo na yan kung ano ang sa tingin nyo.
...napatunayan ko na nga na: masaya, malungkot, masaya, malungkot ang buhay.
...at ngayon, alam ko na, bakit hindi pa rin ako sanay? bakit hindi pa rin ako nadadala?
...ang sagot ko.
...hindi ko alam.
...siguro, sumusunod lang ako sa agos ng panahon.
...malungkot.
...masaya.
...ma...
... at bakit, "Bakit?" ang pamagat ng entry na ito? hmmm.. hindi ko rin alam.
Hindi maiwasan eh.
Parang wheels:
Nung isang araw: MALUNGKOT
Kahapon: MASAYA
Ngayon: MALUNGKOT
Bukas: ?????
So, totoo pala yun? Kapag masyado kang masaya, bukas magiging malungkot ka naman? Tapos pag malungkot ka ngaun, so ibig sabihin nun bukas MASAYA ka ulit? Tapos malungkot, tapos masaya, tapos malungkot, tapos MA... (kayo nalang ang magdugtong...) (ಥ_ಥ)
Sino gusto ng HAPPY PILLS? =^.^=
Haha! Masaya ang life! at color pink na ang blog ko. Wala lang... gusto ko ng ibang skin or layout kaya lang hindi ako makapag decide kung ano ang gusto ko kasi ang cucute at magaganda. hahaha!
Happy Weekend!
Yun Lang.
EMOTERA. ^_^
='( ang lungkot naman ng umaga ko. Ang saklap-saklap. Hindi ko alam, kung ano gagawin ko, gusto kong maiyak, malungkot, ngumiti, sumigaw, tumakbo kahit saan papunta, uminom ng alak, o tanggapin nalang ito lahat. Hindi ako nababaliw [syempre sino naman aamin nun?], halo-halo lang talaga ang emosyon na nararamdaman ko ngaun.
Sino ba pwede mag-explain sa akin ng ganitong pangyayari sa buhay?
• Pag wala kang ginagawang masama: Pinagdududahan ka na may ginawa kang masama.
• Pag may iba kang kausap or interaction sa social websites: Nakikipaglandian ka na.
• Kapag marami kang kaibigan na opposite sex mo: Iisipan ka na, lahat yun may gusto sayo.
• Kapag nageexplain ka sa side mo: Lalabas pa na ikaw ang guilty.
• Kapag hindi ka nagexplain dahil alam mong hindi sya maniniwala: Guilty ka pa rin.
• Kapag sinasagot mo lahat ng tanong nya sayo: Ayaw nya maniwala.
• Kapag hindi ka sasagot dahil alam mong balewala rin: Sasabihin nya: "oh? ano? hindi ka makasagot kasi totoo!"
Parang kanta lang ni Jay-R Siaboc: May Tama rin Ako.
Minsan kapag ganito ang sitwasyon, ikaw nalang ang magpapakumbaba, dahil kung hindi baka walang mangyayari sa pagtatalo. Nangyayari ito kasi gusto natin maging maayos ang lahat. Kahit na alam mo hindi na maibabalik ang dati.
• Parang chocolate na kapag natunaw, hindi na maibabalik sa original na hugis.
Tapos eto ewan ko rin sa ganitong sitwasyon:
• Kapag nasa Relasyon ka: MAKIKITA MO NA MASASAYA ANG MGA SINGLES.
• Kapag Single ka: NAKIKITA MO NA MASAYA KAPAG NASA RELATIONSHIP KA.
Bakit kaya ganun? Madalas ko ito sabihin sa sarili ko: HINDI AKO NAGKULANG, HINDI LANG SYA NAKUNTENTO. =(
Emotion: Sad
Mood: Loner