◘ [MASAMANG] PANAGINIP! [NIGHTMARE] ◘

8/18/2010 10:34:00 AM

"Sino sasali sa laro?" lahat nagtaasan ng mga kamay pwera lang ako. Wala akong balak sumali lalo na kapag may issue na "love²". "Oh? bakit hindi ka sasali?" tanong sa akin. Sabi ko, okay lang ako manonood lang ako sa inyo. Pagkaraan ng ilang minuto.... taena! bakit napasama na ako sa game? 

Mechanics ng game: May lalapit sa iyo at maguusap kau. [masyadong malabo ang mechanics ng game] parang truth and consequence. Merong lumapit sa akin, tapos nagtapat ng pag-ibig [yyuucck!] tapos pinipilit nya na kami daw dalawa ang ikakasal [ano ba?!] tapos sa lahat ng kasali sa game, hindi sya nakasuot ng kulay puti na damit. [Naka polo shirt sya, naka jeans at white shoes tapos maputi sya at masasabi mong may dating sya.] Kasi kaming lahat nakasuot ng puti. Nasa wedding event ata kami nun. "eeeww.. sino tong lalaki na to?" sabi ko sa isip ko. Iisang anggulo lang nakikita ko sa kanya. Kakaiba ito sa mga napaginipan ko na "lalaking walang mukha" o mas kilalang "soulmate" mo daw kapag ganun. Pero infairness, gwapo sya. Pero kahit na.. hindi ko sya kilala at pilit nyang pinapaalala ang "kasal naming dalawa." waaah! as in waaah! Tinanong ako ng kaibigan ko na "sino yun?" sabi ko "hindi ko sya kilala!" habang nakatulala.

ANO DAW?! anong klaseng panaginip yun? 

Anong ibig sabihin nun?! Biglang nag alarm ang cellphone ko at oras na para bumangon. Hindi ko maidilat ang mga mata ko pero ang utak ko gising na. Parang gusto ko pa matulog para mahabol ko ang tanong ko: "sino ka ba?"

EMOTION: "ERROR"
MOOD: "WAKE UP EXHAUSTED" (x__O)

You Might Also Like

9 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!