◘ 5th Post: INSERT SIM [CARD] ◘

8/19/2010 11:57:00 AM


Nababagot... walang connection, kung meron naman, suuupppeeerrr bagal. Basta mga ganitong oras [6PM onwards]. Kainis, hindi man lang ako makapag blog walking... sa mga "Virtual Friends" ko! Yay! ^_^ 

Dahil sa kaboringan... napatingin ako sa cellphone ko. Tapos wala ring message. Sinasapot na ang cellphone ko kulang nalang alikabok para sabihin na talagang napag-iwanan na ng panahon.

Tumingin ulit ako sa monitor... at wala pa rin... napatingin ulit ako sa cellphone ko at sobrang wala rin. Napaisip ako, "sana, naka unlimited text yung kaibigan ko tapos magsesend ng unlimited quotes [kahit ano] basta may matanggap lang . Pero wala.. 

Balik nanaman ako sa monitor, I checked the connection. Sobrang bagal pa rin at nakakainis pa dun, nag ha-hang ang browser. [Sira-ulo!] Wala na... naku! wala na talaga... at unti-unti nako nagiging "B A D T R I P". 

Napatingin ako sa cellphone ko, at dahil sa ka badtripan ko, "NABATO KO SA PADER ANG CELLPHONE KO." 

Ayos! cellphone ang napagbalingan ng ka badtripan ng dahil lang sa sobrang bagal ng connection ng internet. [ang babaw naman] Pinulot ko ang cellphone ko, at nakita ko ang resulta:

"INSERT SIM" 

On and off lang para ma refresh... at ayos na ulit ang cellphone ko. hehehe... [whew! buti nalang!] ☺

EMOTION: [was] BADTRIP! 
MOOD: ^__~

You Might Also Like

4 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!