♥ MASAMA ANG ARAW!

8/12/2010 10:35:00 AM


ISANG MALAKING TAMA! Yun ang masasabi ko sa sarili ko ngaun. Mas maigi na malabas ang sama ng loob sa pagta-type ng blog na ito kesa sa kung ano pa ang magawa ko. [Ayaw ko na ielaborate kung ano man yun...] 

BADTRIP! Sobra pa sa "Bad Hair Day" kung tawagin ang nararamdaman ko ngaun. Biruin mo, nakigpagsagutan ako sa isang tao na "napalaki ng ulo, pero ang utak eh napakaliit!" Konting problema lang, pinalalala nya at grabe ang taas ng pride nya na kung akala mo sino sya. Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya at ang sarap murahin, lahat ng mura at masasamang salita bagay sa kanya sabihin at karapatdapat para sa kanya nung mga oras na nagtatalo kami. 

ISSUE! Putcha! ang ayaw ko sa lahat yung nilalabas ang issue na ayaw ko. Gusto na nya ko mawala sa buhay nya, pero dahil may laging karugtong na salitang na parang ibig sabihin ay "sana wag mo gawin, nasabi ko lang yun kasi galit ako". Eh, putcha, gagawin ko talaga. Dahil handa na ako at madami akong magagawa kapag wala na rin sya buhay ko. Sya ang nagpasaklap ng buhay ko, at ako ang magmimiserable ng buhay nya. Yun ang tingin nya sa relasyon namin... 

ASAL BATA! yun ang masasabi ko sa pinakita nya kanina, parang bata na inagawan ng laruan at nung binalik na may depekto, grabe kung makangawa! sa totoo naman, HINDI SYA MAY-ARI ng laruan na yun. At dahil nandun ako sa puder nya, pwede nya sabihin na sya ang MASUSUSNOD. 

UGALING HAYOP. Sobra pa sa hayop. At wala na akong masasabi.

Yun lang. Isa syang HALIMAW, BANGUNGOT at pwede ba? IUNTOG nyo na ULO KO? para naman MAGISING NA KO! Dahil ang pakikisama sa isang tulad nya ay katumbas ng BUHAY- IMPYERNO.

You Might Also Like

0 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!