♥ Unang Post: Gusto Ko ng Diary

8/11/2010 11:12:00 AM

Una sa lahat, naisip ko na mag sign-up dito sa kadahilanan na hindi ko alam. Pero iisa lang ang naiisip ko: "Gusto ko may Diary" pero this time, hindi isang notebook na maliit na may makukulay na design at may lock at may ballpen na makulay para ipangsulat. Dahil sa panahon ngayon lahat ay pwede mo na magawa online. Pwera nalang kung wala kang internet connection sa bahay or wala kang budget para pang internet cafe mo. Pero seryoso, gusto ko talaga may malalabasan ng emotions ko. Kaya nga tinawag ko sarili ko na "Emotera"

Minsan kasi, kahit may mga kaibigan ka. May mga bagay na hindi mo naman masabi sa kanila. At ayun, hahayaan mo nalang na manlumo ka sa lungkot o kaya bumaha sa paligid mo sa kakaiyak mo o di naman kaya, makinig ng mga madamdaming kanta para mag-emote. Parang ako lang ang dinescribe ko ah. ☺ Pero ayos lang, normal lang siguro yun. Pero siguro nagtatanong ka habang binabasa mo to [o..may nagbabasa ba netong entry na to.] "Nasaan ang mga kaibigan mo?" ayan ay hindi ko maisasagot. Pero sa pagkakataong ito, hindi naman siguro ako magiging "emotera" at gagawa ng blog kung may mga kaibigan ako na malalapitan. 

"Virtual friends" yun nalang siguro ang pwede ko hanapin o sila ang makakatagpo sa akin. Pwede bang tayo maging friends? Pwede mo naman siguro i follow ako dito sa blog. [Kung gusto mo, okay lang kung hindi.] 

Umuulan ngaun, masarap sa pakiramdam habang nagta-type ng pinakauna kong entry dito. Gustong-gusto ko ang theme ng blog ko ang taray! Black and white , parang notebook at ballpen lang. Oks na yun kesa sa maarte na designs. Marami akong gustong i-type eh baka ma out of the topic. Gusto ko sana ipakilala ang sarili ko sa inyo. Pero parang aabutin ng syam-syam. 

Hanggang dito nalang muna ako. Sabik na sabik ako magsulat ng kwento tungkol sa mga nangyayari sa akin. KAHIT ANO. [Parang may interesado... wala naman ata..] 

You Might Also Like

2 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!