DIARY, YOU'RE OUT. BLOG, YOU'RE IN.
11/04/2010 10:08:00 AMAlam mo yung pakiramdam na marami kang iniisip tapos kapag nasa harap ka na ng computer mo at ang mga daliri mo nasa keyboard na eh... WALA KANG MA-TYPE? (astig eh noh, dati rati, sa sarili lang natin natatago yung gusto natin sabihin kasi yung DIARY eh isang uri ng bagay kung saan lahat ng feelings at secrets mo eh nakasulat dun at pag may nakabasa eh tyak! guguho ang mundo mo.)
Pero syempre, iba na ngayon,meron ng blog. Kesa ikimkim mo lahat ng nararamdaman mo sa bawat pahina ng diary mo, eto sa blog, maraming nakakarelate at pinapamukha talaga sayo na "hindi lang ikaw ang may ganyang problema o experienced sa mundong ito."
"Kung akala mo ikaw na ang may pinakamabigat na problema, pwes! oo! kasi dapat mag blog ka na at wag na magdiary."
Disadvantage ng Diary:
• Pag nabasa, hindi mo na mababasa ng maayos lalo na pag sign pen ang gamit mo na pen. :D
• Nakakapagod magsulat ng 3 pahina o mahigit lalo pag masyado kang masaya at sinusulat mo ang buong pangyayari sa isang araw ng buhay mo.
• Hindi ka makakapagpost ng mga pictures. NEED PA IPADEVELOPED!
• Walang videos at background music sa Diary. SIGE NGA SUBUKAN MO LAGYAN.
• Hindi ka makakapag check ng email mo.
• Hindi ka makakapag check ng FB mo. (ayun oh! lumabas din ahihihi)
• Walang makakaalam ng experienced mo kundi ikaw lang. LONER KA.
• Walang magkukumento sa ginawa mong ie, poem, tula, story, etc.
• Minsan ang maganda mong sulat, mauuwi sa kinalahid na manok na font kasi sa sooobrang haba ng gusto mong ikwento, tinamad ka na magsulat at hindi mo na natapos ang kwento mo. HAHAHA!
• Nagmimistulang SKETCH PAD ang diary mo kapag wala ka sa mood magsulat.
• Mahirap hanapin ang diary kapag na misplaced mo. NAKU!
Advantages ng Diary
• Pwede ka magsulat kahit saan.
• Pwedeng gawing scratch paper ang last pages ng diary. :))
• May silbi ang tinta ng ballpen mo.
• Nakakatipid ka sa kuryente. (dahil hindi pc ang gamit mo)
• Hindi ka matetempt na mag open ng FB, libro mo nalang sa school.
• Walang password at username at domain. :D
• Kung ayaw mo magsulat pwede mo naman idrawing ang nangyari sayo ng buong araw. GOOD LUCK! :D
Disadvantages ng Blog
• Once na makalimutan mo ang password mo, forgot the password.Pero pag nakalimutan mo ang password mo sa email add mo. Eh THE END. :)
• So far wala pa ako maisip. :D
Advantages ng Blog
• Marami kang makikila na kapwa-blogger! HELLO SA INYO!
• Makakabasa ka ng ibang blog.
• Pwede ka matawa, malungkot, mainis, maiyak at kung anu-ano pa na comments na pwede mo ipost.
• Malaki ang mundo ng blogging.
• Walang pakelamanan sa posts. HEHEHE Blog mo yan, Blog ko to.
• Makakapag post ka ng pictures, videos at may background song pa.
• Pwede mo maibahagi ang mga experienced mo sa buhay, trabaho, pamilya, buhay pag-ibig... and etc.
• Hindi na kailangan pa dagdagan kasi alam nyo na yun. :) HAHAHA!
I'm out. THE END.
PS: Sa totoo lang, hindi talaga ito ang ipopost ko eh. Biglang naging ganito ang nasa isip ko. Atleast wala akong nasayang na tinta ng ballpen at pahina ng papel. hihihi... SIGH.. (O___~)
6 MGA NAG-EMOTE