FINALE OF MAGKARIBAL

11/06/2010 09:29:00 AM

Grabe emote ko kagabi. Kasi nga matatapos na ang Magkaribal kagabi. Kakaloka ang ending! 

Sa totoo lang, disappointed ako. Hmmm.. syempre lahat tayo, nasanay sa mga happy ending ng teleserye. Pero ang finale nila eh, talagang mapapaisip ka kung:

A) Namatay ba si Gelai/Angela, at billboard nalang ang alaala nya.
B) Hindi patay si Gelai/Angela at si Victoria/Ana lang ang pinakita sa ending.

[ano sa tingin nyo?]

Tapos, natawa ako nung sinama ni Victoria ang mga bata at pinasakay sa kotse. Kasi nagmukhang kidnapper sya dun eh. Pero okay lang. Ganun talaga ang ending nila eh.

Dinibdib ko ang ending na hindi ko nagustuhan. Kung namatay nga si Gelai, eh di happy na sila kasi magkasama na sila ni Louie. =) Ayun, nanood nalang ako ng bubble gang. LOL.

I will miss Magkaribal, kasi naman noh gusto ko yung mga english paka na bangayan ni Vera at ni Victoria. HAHA! Nakakadugo ng ilong. ☺

Kayo? ayos ba sa inyo ang ending? :) 

You Might Also Like

12 MGA NAG-EMOTE

Blog Awards

Image and video hosting by TinyPic

Versatile Blogger Award from Ellen! :) 01-09-11
Most Interesting Blog Award From ILUVROY. :) 01-01-11
OneLovely Blog Award ATE LEAH [first award]

Thank You!